Utol niya, ikakampanya raw. Sen. Kiko… SHARON, NAPAIYAK SA GINAWA NI P-DIGONG
- BULGAR

- Oct 25, 2018
- 1 min read

NALUHA sa kaligayahan si Sharon Cuneta nang matanggap ang message ng pagbati sa kanya ni Pres. Digong on her 40th anniversary in showbiz. Nakadagdag din sa happiness ni Mega ang pangako ni PRRD na susuportahan nito ang big brother niyang si Cesar “Chet” Cuneta who will run for the mayoralty race in Pasay City.
Meanwhile, nadagdagan ang paghanga ni Shawie kay Ormoc City Mayor Richard Gomez na tulad ng fave leading man niyang si Christopher de Leon took time out to appear on her special concert held in Smart Araneta Coliseum. Undoubtedly, magiging blockbuster ang balik-tambalang Mega and Goma sa movie na isinu-shoot nila under Star Cinema.
Very vocal naman ang ermats ni KC Concepcion na masama ang loob niya kay Robin Padilla na ‘di man lang sumilip para batiin siya sa concert. May tampo siya kay Binoe. Tampo, hindi galit, ha?





Comments