Palusot na hacker lang daw ang tumawag sa kanyang bakla, ayaw kagatin… JK, KAKASUHAN NI DARREN
- BULGAR

- Oct 25, 2018
- 1 min read

NAGTATAKA naman kami, sobrang bata pa nina JK Labajo at Darren Espanto para paglaruan ng conflict. Halos nagsisimula pa lang sila, pero bakit may conflict na kaagad?
May bali-balitang balak kasuhan ni Darren si JK dahil sa tweet nito kung saan tinawag daw siyang ‘bakla’. Duda si Darren sa alibi ni JK na na-hack lang diumano ang kanyang Twitter account kaya lumabas ang ‘gay’ tweet laban sa kapwa niya singer.
Darren tweeted: “Timing ‘no? Dinelete ng “hacker” mo yung tweet na ‘to after kang kausapin ng management. Pag nahanap mo yung hacker mo puntahan niyo ako para malaman niyo kung sino yung totoong BAKLA. @KarlosLabajo”
Nakakalungkot namang umabot sa ganitong punto ang kompetisyon ng dalawang produkto ng The Voice Kids.
Pareho pa naman silang magaling bagama’t magkaiba sila ng genre.
Sa halip na mag-away, why doesn’t Kapamilya Network find a way of settling their differences?





Comments