Kung dati, suportado ang Hashtags member… VICE, BABU NA KAY ZEUS DAHIL KAY CALVIN
- BULGAR

- Oct 25, 2018
- 1 min read

DAHIL naging successful ang kanyang first dance concert last year, muling nagbabalik ang tinaguriang God of the Dance Floor na si Zeus Collins, but this time, bigger and bolder daw ang kanyang The Dance Machine Concert na gaganapin sa Nov. 3 sa SM Skydome produced by Istudyo ni Pipay.
At ngayon pa lang, inaabangan na ng lahat kung muli bang susuportahan si Zeus ng minsan na ring na-link sa kanya na si Vice Ganda, lalo’t mukhang may bago raw kina-career ang It’s Showtime host na walang iba kundi si Phoenix cager Calvin Abueva.
Pero dumating man o hindi si Vice, inspired naman si Zeus na ibigay ang lahat ng best niya dahil marami rin siyang friends na guests sa concert tulad nina Dawn Chang, Ryan Bang and co-Hashtags members Nikko Natividad, Paulo Angeles, Jimboy Martin, Charles Kieron, Jameson Blake at iba pang special guests.
May isa pang pasabog sa dance concert ni Zeus, ang young performer at YouTuber na si Lady Pipay na nakasama na ring mag-perform ni Zeus nu’ng birthday ng una, kaya nga nabuo ang Bboom Bboom dance cover na nag-trending topic at nakaka-350,000 views na
Ang The Dance Machine Concert: Zeus Collins at Skydome ay ididirek ng dancer-choreographer na si Nesh Janiola.





Comments