HOROSCOPE | Oktubre 25, 2018 (Huwebes)
- BULGAR

- Oct 25, 2018
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG OKTUBRE 25, 2018 (Huwebes): Ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na ikaw ay magkakaroon ng magandang buhay kahit pa magkamali ka nang paulit-ulit sa iyong pagdedesisyon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikilos ang iyong kapalaran para sa ikagaganda ng iyong buhay sa lahat ng larangan. Ipaubaya mo sa langit ang lahat dahil makaaasa ka na magtatagumpay ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-10-29-20-23-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pilitin ang ayaw sa iyo dahil ang mga nawawala sa iyo ay nakatakda mismo sa iyong kapalaran upang mas gumanda pa ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-29-30-32-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit maliliit lang ang mga suwerteng dumarating ngayon sa iyo, itatakda ng kapalaran mo ang malalaking suwerte na dumarating sa iyo kung saan labis kang matutuwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-26-27-35-38.
CANCER (June 21- July 22) - Lumalakas nang todo ang iyong pakiramdam. Ang babala ay para sa mga taong may hangaring masama para sa iyo. Ang ninanais nilang mabigo at masaktan ka ay mauuwi lang sa wala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-21-28-33-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Init ang kailangan kapag malamig. Lumalamig na ang panahon, dagdagan mo ang ningas ng iyong sigasig nang sa gayun ay maraming magagandang bagay ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-10-14-15-24-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umaapaw ang baso kapag patuloy na nadaragdagan ang tubig na inilalagay dito. Aapaw ang kaligayahan mo dahil patuloy na darating ang mga suwerte kahit hindi mo naman ito kailangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-12-21-23-43-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huhusgahan ng langit ang humuhusga sa iyo. Tatanggap sila ng parusa na kalakip ng bawal humusga sa kapwa kung saan aatras ang kanilang kabuhayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-18-22-5-30-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang tama, ‘yun ang gawin mo. Huwag mong babaguhin ang pasya mo ng dahil lang sa magagandang maririnig mo na sa totoo lang ay makapagpapahamak sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-16-17-26-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan luluwag ang kalooban mo, roon ka. Huwag mong kalilimutan na bukod sa magagandang tanawin, ang kaibigan ay nariyan lang upang mapagaan ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-18-25-27-35-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dito sa mundo ang lahat ay may katapat na halaga. Kaya ngayon mo matatanggap mula sa langit ang malalaking halaga ng iyong pagiging sobrang mabait sa kapwa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-19-20-33-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sundin mo lang ang iyong nararamdaman. Kapag hindi ka na masaya, mag-isip ka dahil baka hindi na pala ito ang makabubuti para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-18-20-24-34-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumapit ka sa iyong pangarap. Dadalhin ka nito sa kung saan mo makakamit ang iyong gusto. Huwag kang bibitaw kahit pa nakararanas ka ng hindi magandang kaganapan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-21-30-35-41-42.




Comments