Search
  • Nitz Miralles

After mabugbog ang aktres… JANELLA AT ELMO, TOGETHER AGAIN SA CANADA

LUMABAS na ang interview ni Ricky Lo kay Janella Salvador sa Philippine Star kahapon at sa article na may title na Janella Breaks Silence, inilarawan ni Janella ang relasyon nila ngayon ni Elmo Magalona na “Keeping distance, growing apart.”

Nabanggit din ni Janella sa article na kaya nagsalita na siya ay para matigil na ang kasinungalingan at haka-haka na rin kung saan niya nakuha ang pangingitim ng braso niya na kinunan ni Julia Barretto ng picture at ipinost sa IG story.

May sinabi si Janella na “It was not the first time that he hurt me” at dito na nagkani-kanya ng reaction ang mga fans ng ElNella love team. May mga hindi naniwalang masasak­tan ni Elmo si Janella at may nag-akalang baka kasalanan ni Janella kaya siya nasaktan ni Elmo.

Ang ibang fans, nakapamili na at kay Elmo sila pumanig, pero uma­asa silang magkakaayos pa ang dalawa. Maganda ang sinabi ng isa pang supporter ni Elmo na magsalita na siya at mas magiging proud pa sila sa kanya kung aamin ito.

Anyway, magkikita sina Janella at Elmo dahil may series of shows sila sa Canada. Hopefully, makapag-usap sila para maayos ang kanilang problema at kung mag­hihiwalay man ay maghiwalay sana silang magkaibigan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.