Search
  • No Problem

‘Wag kalilimutang sila ang namatay kaya dapat tuloy pa rin ang ating buhay… MGA PARAAN KUNG PAANO MA

ALAM natin, mga beshy, masakit talagang mawalan ng mga mahal sa buhay, ‘yung iwan ka nga lang ng BF mo, mahirap na, what more kung iniwan ka nang hindi mo na muling makikita pa? Kaya para sa mga beshy nating hanggang ngayon ay nagdadalamhati pa rin, kahit mahirap, narito ang ilang tips sa inyo na makatutulong upang mawala kahit papaano ang sakit na inyong nararamdaman.

1. ACKNOWLEDGE YOUR PAIN AND ACCEPT THE FEELINGS THIS LOSS BRINGS. Kailangan mong i-allow ang sarili mo, beshy, na ilabas kung anu­man ang totoong nararamdaman mo. Makararam­dam ka talaga ng pagiging down, pero mawawala rin ito paglipas ng panahon kung kailan tuluyan mo nang mata­tanggap ang mga bagay na mahi­rap tanggapin.

2. GIVE YOUR­SELF PERMISSION TO GRIEVE. Okay lang na­mang mag-emote-emote paminsan-minsan, mga beshy! Dahil kapag hindi mo nailalabas ang pighati mo, eh, magreresulta lamang ito sa kawalan ng gana sa pagkain, pagkawala sa focus at pati ang tulog mo ay maaari ring maapektuhan.

3. DON’T ISOLATE YOURSELF. Iwasan ang pagiging mag-isa dahil sa paraang ito ay mas pinu-push mo lang ang iyong sarili na mag-isip ng mga bagay na hindi makabubuti para sa iyo. Mainam kung mayroon kang makakasamang kaibigan na masasandalan sa oras ng panga­ngailangan.

4. LET THOSE AROUND YOU KNOW THAT YOU ARE GRIEVING. Importante na nalalaman ng mga nakakasama mo kung ano ang pinagdaraanan mo para alam nila kung paano sila mag-a-adjust sa iyo nang sa gayun ay hindi sila makasakit o makadagdag pa ng sakit sa nararamdaman mo.

5. VISUALIZE YOURSELF SUCCEEDING. Imbes na maging negative, eh, isipin mo na lang, beshy, ang mga bagay na tuluyang maka­pagpapaangat sa iyong pagkatao at pamu­muhay.

6. FIND A CREATIVE OUTLET TO EXPRESS YOUR EMOTIONS. Humanap ng mga mapaglilibangang okasyon tulad ng pagpunta sa mga birthday, graduation, wedding at marami pang iba. Sa paraang ito, bukod sa maraming tao, eh, makalilimutan mo ang mga bagay na maaaring maka­pagpaalala sa iyo sa taong nawala kapag nag­mu­muk­mok ka lang sa kuwar­to.

7. LISTEN TO YOUR BODY. Magpahinga ka kung kinakaila­ngan. Kumain ka ng mga gusto mo, mag-exercise ka rin at lumanghap ng sariwang ha­ngin. Ang paglu­luksa ay maaaring makaapekto sa iyo – emotionally, physically, spiritually at mentally. Kaya matuto ta­yong maging ma­b­ait sa ating sarili matapos nating pagdaanan ang trauma. Huwag nang abusuhin ang katawan.

8. ACCEPT THAT THE PERSON WHO HAS DIED WILL ALWAYS BE A PART OF YOU. Sabihin sa sarili na okay lang namang malungkot ‘ika nga sa kanta ni Jessie J, “it’s okay not to be okay”. Palaging isipin na hindi ibinibigay ni Lord ang lahat ng problema sa atin kung alam Niyang hindi natin ito kakayanin.

9. EMBRACE SPIRITUAL CHANGES. Ang ibig sabihin na i-embrace ay yakapin mo nang buumbuo ang pagbabago sa iyong buhay, lalo na kung nawala na ang taong iyong minamahal. Forgive and forget with all your heart everyday, with everyone.

10. ACCEPT THAT WHATEVER YOU’RE FEELING – EVEN ANGER – IS OKAY. Asahan mo na rin, beshy, ang pagiging bugnutin at kung anu-ano pa, dahil for sure, sa paglipas ng pana­hon, eh, malalabanan at malalagpasan mo rin ‘yan.

Kaya ang payo ko sa mga beshy natin diyan, kapit lang! Sabi nga sa lyrics ng kanta: “There’s a rainbow always after the rain.”

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.