Search
  • ROMA AMOR

Problemado dahil hindi gusto ng magulang ang girlfriend


Dear Roma,

Ako si Karl, magta­tatlong taon na kami ng girlfriend ko, may anak na siyang 2 years old. Bago ko siya niligawan, alam ko na siya ay dating nagtatrabaho sa bar at may anak. Tanggap ko ‘yun dahil alam kong nag­bago na siya at mahal ko siya. Noong umpisa pa lang ay ayaw na ng mga magulang ko sa kanya kasi nga may anak na siya. Ilang beses kong sinubu­kang ipaintindi sa kanila na tanggap ko kung sino at ano ang kala­ga­yan ng girl­friend ko. Ngayon, pi­na­­pipili ako ng mga ma­gulang ko kung itutuloy ko raw ba ang relasyon namin ng girlfriend ko dahil kung oo ay hindi na nila ako kikilalanin bi­lang anak. Mahal na mahal ko ang girlfriend ko at mi­nahal ko na rin ang anak niya. Roma, ano ba ang dapat kong gawin? — Karl

Karl,

Talaga namang naka­hahanga ang mga lalaking tulad mo na tanggap kung anuman ang kala­gayan ng nobya mo. Naka­lulungkot lamang isipin na may mga ma­gulang talaga na kayang hadlangan ang kasiyahan ng kanilang anak, para sa sarili nilang kagustuhan. Ang maipa­payo namin sa iyo ay sundin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo. Kung talagang mahal mo ang girlfriend mo, ipakita mo sa mga magu­lang mo na kaya mo si­yang mahalin sa kabila ng may kaakibat na responsi­bilidad ang pagsasama ninyo. Tandaan mo, walang magulang na kayang tiisin ang anak. Maghintay ka lang at da­rating din ang panahon na matatanggap nila ang re­lasyon ninyo. Good luck at God bless!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.