top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga trapong kongresista, goodbye!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 24, 2018
1 min read

BATA, matalino, masipag, masigasig, mabuti at panig sa taumbayan.

Ito ang ilan sa mga katangian ng kongresista na susi sa pag-angat ng Kamara.

Silang mga batang mambabatas ang umano ay maaaring magsulong ng mga panukala tulad ng Department of Housing, rice tariffication at iba pa.

Sa pamamagitan nila, masasabing nasa mabuting mga kamay ng susunod na henerasyon ang gobyerno.

Mas aktibo at handang maglaan ng lakas at oras kahit mag­damag para sa mga panukalang-batas.

Walang ibang iniisip kundi ang ikabubuti ng sambayanan, puno ng mga pangarap para sa bayan at higit sa lahat, hindi papayag na maimpluwensiyahan ng maruming kalakaran.

Marami ang nagsasabi na iba na ang panahon ngayon.

Sa bilis at dami ng pagbabago, kailangang sumabay. Lipas na ang mga ‘trapo’, kailangang nang pumili ng mga ‘idolo’.

Tapusin na natin ang panahon na ang mga pulitiko ay sadyang nilalamon na ng sablay na sistema.

Tipong kahit anong ideolohiya na mayroon ka, kapag nakapasok ka na sa mundo ng politika, wala ka nang magagawa kundi pumabor o pumalag nang hindi naayon sa iyong kagustuhan.

Ang kailangan ngayon ng taumbayan ay kongresista na kayang gumawa ng batas, pumili ng sasang-ayunan at kaya nitong panindigan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page