Search
  • Pabs Hernandez III

Manager tinodas ng gunman

DAVAO DEL NORTE—Isang manager ang binaril at napatay ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Magugpo East, Tagum City sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si James Gallardo, manager ng isang kumpanya sa nasabing lalawigan.

Nabatid na habang palabas sa kanyang kotse si Gallardo ay nilapitan ito ng suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo sa naganap na krimen.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.