Search
  • BULGAR

LADY TITANS, KAMPEON SA NAASCU


NAKAMIT ng Enderun Colleges ang kampeonato sa Women’s Division ng 18th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAAS­CU). Ang ikatlong sunod buhat ng unang sumali ang paaralan sa liga noong 2016. Winalis ng Lady Titans ang Rizal Technological University Lady Thunder sa sarili nilang taha­nan noong Lunes at wa­ka­san ang best-of-3 series, 2-0.

Hindi naging madali ang pag-angat ng Lady Titans sa trono kumpara sa kanilang unang pitong laro na puro tambakan. Nakabawi ang RTU sa pagkabaon ng 12 puntos pagkatapos ng 2 quarter, 29-41, at maagaw ang kalamangan- na may 3 minutong natitira sa 3rd quarter at naka-2 puntos si Wiz Duazo, 48-47.

Samantala, gumawa ng 15 puntos si Jeremiah Yonzon para sa Lady Thunder ha­bang nagdagdag ng 13 puntos at 14 rebound si Duazo. Ito na ang ika-anim na sunod na taon na pumanga­lawa ang RTU na nagsimula sa tatlong pagkabigo sa Centro Escolar University mula 2013 hanggang 2015.

Ang iba pang mga kasapi ng nagwaging koponan ay sina Kapitan Fayth Puma­ren, Joylyn Pangilinan, Shen­zhen Callangan, Sarah Sa­mantha Casal, Princess Caren Baylosis, Roxy Liao, Francine Geli, Breana Chauca, Czareena Gonza­lez, Dhana Dalagan at Geraldine Chapa. Napanalunan din ni Coach Haydee Ong ang pa­ngatlong kampeonato upang mahanay sa mga coach ng NAASCU na may tatlo o higit pang kam­peonato. (A. Servinio)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.