Laborer tepok sa 2 armado
- Pabs Hernandez III
- Oct 24, 2018
- 1 min read
LAGUNA—Isang laborer ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. San Vicente, San Pedro City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Darwin Mundala, residente sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nakatayo umano si Mundala nang lapitan ito ng dalawang suspek at agad pinagbabaril sa hindi pa malamang dahilan.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.





Comments