- Pabs Hernandez III
Ex-chairman nilikida ng tandem
MAGUINDANAO—Isang dating barangay chairman ang napatay nang barilin ng ridingin- tandem, kamakalawa sa Bgy. Kilalan, Talitay sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si ex-Chairman Badawi Amaril, residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nanonood umano ng larong bilyar si Amaril sa kanilang lugar nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.