Search
  • BULGAR

2 The Voice Kids singers, war! KALAT NA: JK, TINAWAG NA BAKLA SI DARREN

Ador Saluta / ADORE ME!

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon sa Twitter ang word war sa pagitan ng mga singers na sina Darren Espanto at JK Labajo dahil sa diuma­no’y pagtawag ng “bakla” ng huli sa una.

Sina Darren at JK, parehong 17 years old, ay batchmates sa singing competition ng ABS-CBN na The Voice Kids noong 2014.

Nag-ugat ito sa tweet ni JK na nagsasabing, “@Espanto2001 gayness at its finest.”

Nitong Lunes (October 22), inilantad ni Darren ang screen shot ng tweet ni JK na may petsang October 19. Dito ay inihayag ni Darren na hindi siya naniniwala sa palusot ni JK na “hacker” ang may kagagawan nito.

Kung galit si Darren kay JK, nagpupuyos din ang galit ni JK dahil isinapubliko pa raw ni Darren ang gusot sa pagitan nila, gayung sinubukan daw niyang linawin ang isyu sa pamamagitan ng palitan nila ng private messages.

Pinaninindigan din ni JK na hindi nanggaling sa kanya ang mapanirang tweet at posibleng na-hack lang umano ang Twitter account niya.

Inilantad din ni JK ang screen shot ng palitan ng mensahe sa pagitan nila ni Darren, kung saan sinabi niyang may ibang tao umanong gumagamit ng kanyang Twitter account.

Sabi ni JK, “Just so you know hindi ako ‘yun. Ask mca if you don’t believe me.

“Someone else is using my Twitter account.

“So you better tell your fans and/or family to calm the f*** down because the last thing I f****** want is to be accused of something i didnt f****** do. Cheers.”

Ang tinutukoy ni JK na mca ay ang MCA Music, Inc. na parehong record label nila ni Darren.

Depensa pa ni JK, posible ring “edited” lang ang “gayness at its finest” tweet ng kung sinumang naninira kay Darren.

Buwelta naman ni Darren, sa panahon ngayon ay madali nang ma-detect kung totoong na-hack o may ibang gumamit ng isang Twitter account.

Ani Darren kay JK, “Prove it and man up! I am just here and ready to show the world who the real GAY one is.”

At press time, binura na ni JK ang tweets na ito dahil sa binitiwang cuss words sa gitna ng pagdepensa niya sa sarili.

Pagkatapos ay nagpakawala si JK ng panibagong tweets kung saan iginiit niyang hindi siya hihingi ng sorry para sa isang tweet na hindi naman daw niya kagagawan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.