Search
  • Nitz Miralles

Sori na lang sa ibang artista… GLORIA, IPINAGSISIGAWANG NEVER PANG NAGPARETOKE

NAKALAGAY sa DP (display picture) ni Gloria Diaz sa Instagram (IG) ang “No filter since 1969” na taon nang ma­nalo siyang Miss Universe.

Naikuwento rin ni Ms. Gloria sa presscon ng Pamilya Roces na wala pang inayos sa mukha niya at walang balak iparetoke sa buong katawan niya.

Pero hindi siya kontra sa mga celebrities na nagpa­paayos at nagpaparetoke ng mukha at katawan. Kani-kanyang pananaw at choice lang daw ‘yan. Nagkataong ma­saya siya kung ano at sino siya.

Sabi ni Gloria, masuwerte pa rin siya dahil kahit lola na, may career at may love life pa. Kasama si Gloria sa Pamilya Roces at isa sa mga nagpapatawa at nagbibigay ng tuwa sa mga viewers ng dra­medy. On point ang delivery niya ng punchline at kapag sila ni Elizabeth Oropesa ang mag­ka­eksena, tawanan na ang kasu­nod.

“I have a good show. I have a good man in my life and my man is single, never been married. He is nine years younger than me and 21 years na kami,” sabi ni Gloria.

Speaking of Pamilya Roces, masaya ang buong cast at buong team ng dramedy sa rating ni­tong 8.9% last Friday, mas mataas sa katapat na show. Ka­ilangan na lang ma-maintain ang ratings ng show

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.