Rider dedbol sa aksidente
SOUTH COTABATO—Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng minamaneho nitong motorsiklo ang sinusundan na isa rin motorsiklo sa Bgy. Poblacion, Tupi sa lalawigang ito.
Nakilala ang nasawi na si Nicky Luz, residente ng Bgy. Kalkam sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, aksidenteng nabangga ng motorsiklo ni Luz ang kinalululanang motorsiklo ni Felix Gulfan kaya sumemplang ang biktima at agad itong namatay nang mabagok ang ulo sa sementadong kalsada.
Samantala, nabatid na nasugatan din sa nasabing aksidente si Gulfan.





Comments