Search
  • Eddie M. Paez, Jr. / VA

LADY VOLCANOES, SILVER SA ASIAN RUGBY TROPHY


NAPANALUNAN ng Philippine Lady Volcanoes ang pilak sa pagbaba ng telon ng 2018 Asian Rug­by Women Sevens Trophy sa palaru­an ng Panaga Club sa Seria, Brunei Darussalam.

Limang magkaka­sunod na panalo ang kinulekta ng mga Pinay pa­ra makara­ting sa finals kung saan kinapos na sila sa tindi ng tikas na ipi­nakita ng eventual titlist na Malaysia, 7-10. Na­sik­­wat ng Guam ang pa­ngatlong pu­westo sa tulong ng panghihiya sa Uzbe­kis­tan, 31-12, sa kanilang sariling banggaan para sa tanso.

Ang silver medal wind-up ng mga pambato ni coach Ada Milby ay resulta ng pinagsanib na husay ng mga manlalaro mula sa Eagles Rugby Football Club (anim na kinatawan), SFK Mavericks (tatlong manlalaro), Cebu Dragons (dalawang rugby players) at Makati Chiefs (isang kinatawan).

Bago sumalang sa championship face-off, dinaig ng Lady Volcanoes, numero uno sa bakbakan sa Pool “B”, ang mga kababaihan ng Guam, segunda sa Pool “A”, sa iskor na 10-7 sa salpukan sa semifinals. Nakahulagpos din ang Pool “A” topnotcher Malaysia sa duwelo nito sa final 4 kontra sa Pool “B” runner-up na Uzbekistan sa isang maigting na 5-0.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.