Search
  • Pabs Hernandez III

Kelot tinodas ng lolo

OLONGAPO CITY—Isang lalaki ang sinaksak at napatay ng 61-anyos na lolo, kamakalawa sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktima na si Albert Aganoga, samantalang, ang suspek ay si Nesito Patino, kapwa checker ng Seaport Building 109 sa SBMA.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Aganoga at Patino na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Nabatid na namatay sa pinangyarihan ng krimen si Aganoga, samantalang, agad nadakip ng mga rumespondeng awtoridad ang suspek.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.