Search
  • BULGAR

INGRAM, RONDO AT PAUL SUSPENDED, WALANG SUWELDO


SUSPENDIDO na si Los Angeles Lakers forward Brandon Ingram sa apat na laro na walang bayad, suspendido rin si Lakers guard Rajon Rondo sa tatlong laro na walang bayad maging sina Houston Rockets guard Chris Paul ay suspendido ng dalawang laro nang wala ring bayad, dahil na rin sa idinulot nilang gulo on court sa nalalabing 4:13 minuto ng laro sa fourth quarter ng Rockets game win laban sa Lakers kamakalawa sa Staples Center.

Suspendido si Ingram dahil sa nauna itong nagalit at siya ang unang uminit ang ulo at nagpasimula ng gulo,nagpakawala ng suntok kay Paul, kinompronta pa ang game official at nagmumura pa ito at tinulak pa si Rockets guard James Harden.

Suspendido si Rondo dahil sa pananakit, panunura at panununtok kay Paul. Suspendido si Paul dahil sa pagdamba at pangunguwelyo kay Rondo, gayundin ang sunud-sunod niyang panununtok dito.

Sisimulan ni Paul ang pagsilbi ng suspensyon ngayong araw sa laban ng Rockets kontra Los Angeles Clippers sa Staples Center. Habang sina Ingram at Rondo ay magsisimula ang suspensiyon ngayong Martes sa laban ng Lakers kontra San Antonio Spurs.

Samantala, hindi nakalaro si Nuggets versatile forward Will Barton sa Denver game kahapon kontra Golden State dahil sa right hip injury. Inilabas si Barton noong Sabado sa court nang may maramdaman siyang lagutok sa katawan nang bumasket siya ng bola sa third quarter na panalo kontra Phoenix. Sumailalim siya sa MRI noong Linggo. (MC/ATD)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.