- BULGAR
'Di na sana dalawa ang puso n'ya ang drama…ACTOR-POLITICIAN, NAKA-MOVE ON NA SA EX-GF NA AKT
BLIND ITEM:
Nakita sa East Shangri-La Mall last Friday ang actor/politician na may kasamang babae na naka-shorts short at long hair. May mga nag-akalang bagong GF ng actor/politician ang girl lalo’t break na sila ng kanyang actress GF.
Kasama ni actor-politician ang anak sa pagmo-malling. Ang dating nu’n sa mga nakakita sa kanila, kung GF man nito ang kasama, tanggap ng kanyang anak ang babae.
Sabagay, wala na rin naman yatang chance na magkabalikan pa si actor-politician at ang ex-GF nito na isa ring aktres kaya puwede nang magkaroon ng love life ang ex-couple.