- BULGAR
Anak, ayaw patakbuhin, dineadma lang siya…TSONG JOEY, INILAGLAG SI JEREMY PARA SA MGA KAIBIGAN
Erlinda Rapadas / TEKA NGA

MUKHANG may isyu rin ngayon sa pamilya ni Joey Marquez na dating mayor ng Parañaque.
Hindi niya sinuportahan ang kandidatura ng anak na si Jeremy Marquez na babangga sa mga dating pulitikong kaibigan nina Joey at Alma Moreno.
Ikinagalit daw ni Joey ang pagiging matigas ng ulo ni Jeremy na hindi na nakikinig sa kanyang advise.
Masyado raw nagmamadaling umangat sa posisyon si Jeremy at hindi na binigyan ng importansiya ang mga dating kaalyado nina Joey at Alma.
Si Vandolph naman ay muling tatakbong konsehal sa Parañaque.