Search
  • BULGAR

Sa pambubugbog daw ni Elmo, Jenine nagsasabi lang nang totoo… HIRIT NI JANELLA: MAY DAHILANG MAGALIT

Janice DS Navida / SHOWBIZ SPECIAL

KUNG noon, tahimik lang at todo-iwas si Janella Salvador kapag natatanong tungkol sa mga hindi nila pagkakaintindihan ng inang si Jenine Desiderio dahil umano sa rumored ex-boyfriend niyang si Elmo Magalona, ngayon, si Janella na mismo ang nagtatanggol kay Jenine sa mga nagtatanong dito tungkol sa isyu ng pananakit daw sa young actress ng singer-actor.

Dinepensahan ni Janella ang kanyang Mommy Jenine sa pagsasabing hindi raw ito magkakalat ng kasinungalingan kung walang pruweba sa nangyari at hindi raw ito magri-react nang ganu’n kung walang pinanggagalingan.

Sey ng Kapamilya young actress sa Instagram comment nito (na deleted na ngayon, may nakapag-screen capture lang),

“Good day. Here’s something to think about: do you really think we would be spreading lies without actual proof?

“What will we get out of that? Do you think my mother would react the way she did if it’s all coming from nowhere?”

Sinabi rin ni Janella na hindi man niya gusto ang ginawang pagsagot ng ina, mas mabuti na raw ito kesa sa isang ina o manager na tanging pagpapabango ng image lang ang iniisip.

Dahil kung matatandaan, kahit halos masira na ang image ni Jenine at tinatawag na pakialamerang ina, hindi pa rin ito nagpaawat na ipagtanggol ang kanyang anak sa ginawa ng umano’y BF nga ni Janella.

Dagdag pa ng young actress, ang hindi niya pagsasalita ay may ibig sabihin.

Sey niya sa mga nag-aakusa sa kanila at ipinagtatanggol si Elmo, “I NEVER FAILED to protect Elmo WHEN HE IS BEING ACCUSED WRONGLY so please stop assuming if none of you know anything, because you are all only making the situation worse.

“That’s all I have to say. God bless you.”

Pero, hindi pa rin natapos sa “God bless you” ang comment ni Janella dahil may pahabol pa siyang pahayag.

“Oh and ‘only Elmo is being true to you’ is a very ignorant statement.

“You don’t know what these people do and how they have helped me. You do not know their hearts, including Elmo’s.

“So again, I am kindly asking you all to stop assuming because it IS very biased. Thank you.

“One more thing: the reason why I am so confident about what I am saying is because I am 100% sure that I am only stating facts and I am not afraid to get quoted.

Silence most of the time means guilt- it’s psychology.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.