Search
  • BULGAR

Ayaw daw ma-stress… REGINE, MAY KONDISYON BAGO GUMAWA NG SERYE

Vinia Vivar / FRANKLY SPEAKING

WALA namang requirement si Re­gine Velasquez sa kung sino ang ma­kakasama niya if ever na ga­gawa siya ng teleserye sa ABS-CBN. Pero, may kaisa-isa raw siyang request talaga.

“Siguro, ang iri-request ko lang, huwag masyadong madrama. Kasi nai-stress ako ‘pag madrama. Hindi ko kaya.

“I mean, I can do it but nasanay na ako ru’n sa medyo light. Kasi minsan, naiuuwi ko ‘yung character, eh. So, gusto ko at the end of the day, comedy pa rin, happy pa rin. Saka ru’n ako comfortable talaga.

“‘Yun lang naman ang iri-request ko sana. Kasi ‘yung mga comedy naman, meron din namang drama,” ani Regine.

Sa ngayon ay wala pa sa line-up ng mga projects na gagawin ni Songbird sa Dos ang teleserye pero sabi nga niya, anything can be possible.

Pati nga raw movie under Star Cinema ay posible na rin, though wala pa naman sa mga inilatag sa kanya ang pelikula. Biro nga niya, lahat nga raw ay papatulan niya. Iikutin niya raw lahat ng TV shows sa ABS-CBN.

“Pati news,” biro pa niya.

Excited na rin si Regine to be a part of ABS-CBN Christmas Station ID.

“Siyempre, ka­sali ako ru’n lahat. Excited ako. Meron si­lang ga­ga­win, eh. I don’t wanna say it kasi baka ma-preempt, but I’m definitely gon­na be part of it,” sey ni Songbird.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.