50 lasog sa tren
- Joy Repol Asis
- Oct 22, 2018
- 1 min read
TINATAYANG 50 katao ang nasawi makaraang masagasaan ng tren sa Punjab, India.
Batay sa ulat, nanonood ang mga tao sa Dussehra festival kung saan nakatayo ang mga ito sa riles kaya sila nasagasaan.
Hindi umano nila narinig ang pagdating ng tren dahil abala ang mga ito sa panonood, samantala, 200 katao rin ang sugatan na agad itinakbo sa pagamutan.
Sa isang panayam kay Punjab Chief Minister Amarinder Singh, tiniyak nito na tutulungan ang mga biktima.





Comments