3RD WIN, KINABIG NG BOLTS, E-PAINTERS, ‘DI MAKAPORMA


NASIKWAT ng Meralco Bolts ang pangatlong sunod na panalo matapos kuryentihin ang Rain or Shine, 91-82 kagabi sa 2018 Philippine Basketball Association, (PBA) Governors’ Cup sa Araneta Coliseum.
Namarako si import Allen Durham ng 19 points, 20 rebounds at anim na assists upang tulungan ang Bolts na ilista ang 4-6 karta habang nalasap ng Elasto Painters ang pang-anim na talo sa walong laro.
Nagpalitan ng puntos ang Elasto Painters at Bolts sa unang dalawang periods, nakaungos ng isang puntos ang Meralco, 44-43 sa halftime. Nagtuloy ang gitgitan na labanan sa third kung saan parehong umiskor ng 65 papasok ng fourth quarter.
Samantala, nagpakitang-gilas ang import ng San Miguel Beer na si Kevin Murphy sa kanilang huling laro, nagtala ng 27 points, 10 rebounds at siyam na assists upang payukuin ang TNT KaTropa, 107-96 noong Sabado sa PBA Petron Blaze road showdown sa Calasiao Sports Center.
Kaya inaasahang sasandalan pa rin ng Beermen si Murphy sa laban nila sa Miyerkules kontra NorthPort upang masikwat ang three-game winning streak.
Tangan ang 4-4 karta, may tatlo pa silang nalalabing laro sa elimination round at puwede pang umangat ang kanilang puwesto sa team standings. Maganda rin ang ipinakitang laro ng locals ng SMB na sina Christian Standhardinger, Arwind Santos, Marcio Lassiter at Chris Ross. Magbabanatan sa unang laro ang Rain or Shine Elasto Painters at Phoenix Fuel Masters sa 4:30 p.m. (ATD)





Comments