Search
  • Pabs Hernandez III

2 tulak nasakote sa buy-bust

LAGUNA—Dalawang drug pushers ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Langgam, San Pedro City sa lalawigang ito.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Elmer Lito at Eleanor Catumbas, kapwa residente sa naturang barangay.

Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.

Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.