Search
  • BULGAR

FLOYD MAY REMATCH KAY CONOR, M’WEATHER TUMAYA SA LOTTO


HINDI pa raw tapos si Floyd Maywea­ther, Jr. kay Conor McGregor at aniya sa TMZ Sports, bibigyan niya ang Irishman ng rematch sa boxing matapos na makapagpraktis na siya kay MMA Russian Fighter Khabib Nurmagomedov. “McGregor was talking that sh*t, so it ain’t over,” saad ni Floyd habang namimili sa Beverly Hills sa TMZ Sports. “After me and Khabib lock up, me and McGregor we gonna lock up again.”

Una nang tinanggap ni Floyd ang paghamon ni Khabib pero dapat ay isang boxing match ito dahil aniya kikita na naman daw ito. Sinabi rin ni Floyd na ang laban niya sa UFC stars ay nakatulong sa sport ng MMA at aniya sa TMZ Sports, “I’m helping keep combat sports alive!”

Unang nagharap sina Conor at Floyd noong Agosto 2017 kung saan dinomina ni Mayweather ang laban at nagwagi sa TKO sa 10th round. Sinabi ni Khabib na mas mahusay daw siya kay Conor dahil tinalo niya ang Irishman sa nagdaang UFC 229. Samantala, pati si Mayweather Jr., ay tumaya rin sa lotto sa Amerika. Tumaya ang boxing champion ng $2,000 (P103,000) sa isang gasoline station sa Los Angeles.

Umaabot na kasi sa $1-Billion (P52-B) ang mega jackpot na ginanap ang bola kagabi. Kung hindi pa makukuha ito ay aabot na sa $1.6 billion ang jackpot sa susunod na linggo.

Samantala, napag-isa ang WBC at WBA unified middleweight championship ni Canelo Alvarez at nais niyang maka-rematch ang retirado nang dating pound-for-pound king Mayweather, Jr. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.