Search
  • BULGAR

'Di talaga ma-take mag-senador… ALOK NI P-DIGONG, TINANGGIHAN NI WILLIE

Nene Riego / KATSIKA

HANGGANG nu’ng Oct. 17 ay marami ang naghintay kung mag­pa-file ng Certificate of Candidacy for senator si Willie Revillame. It was rumored that President Digong invited Kuya Wil to run under his (RRD) political party.

Dahil ‘di nga umapir sa Comelec-Intramuros ang well-loved TV host, malinaw na ‘di niya pinagbigyan ang offer ng pangulo.

“Politics is not for Willie. He believes puwede naman siyang tumulong sa publiko kahit wala siya sa posisyon. Besides, ‘di naman siya fit for rigorous activities dahil sa kanyang health. Sa hosting pa lang ng Wowowin kung minsa’y hinahapo siya because of stress and high blood pressure,” sey ng isang malapit kay WR.

Naisip naming ito siguro ang rason kung bakit tatlong araw lang live ang show at itine-tape ang dalawang araw pa nito. Nasagap naming may pagkaka­taon ding kinailangan nitong mahiga sa loob ng kanyang dressing room to rest.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.