Search
  • BULGAR

3 EKSPLOSIBONG LABAN, LALARGA SA PSL ALL-FILIPINO CONFERENCE


LALARGA ang All-Filipino Conference sa Okt. 30 sa Filoil Flying V Centre kung saan ang tatlong explosive matches ay katatampukan ng Smart kontra Sta. Lucia Realty; Petron laban sa Cocolife at F2 Logistics vs. Cignal.

Babanat din sa aksiyon ang powerhouse clubs na Generika-Ayala at Foton. Pero ang AFC maging ang CGS ay tatampukan ng University of the Philippines, University of the East, Far Eastern University, University of Santo Tomas, De La Salle University-Dasmariñas at Colegio San Agustin, na lalaban sa Nob. 3 sa Ynares Sports Center.

Aminado si Petron assistant coach Ian Fernandez na ang daan tungo sa pagdepensa ng titulo ay parang roller coaster ride, lalo na ang Smart ay binubuo ng national team members na sina Gretchel Soltones at Jasmine Nabor maging ng iba pang squad core ng karibal na liga. “It’s going to be a wide-open race since everybody is doing its best in terms of preparation,” ayon kay Fernandez, na kakatawanin si head coach Shaq Delos Santos sa general technical meeting at press conference. “But I think Smart, the team of coach Roger (Gorayeb), has the edge.”

Ang preliminaries ay may two rounds kung saan ang second round ay gagamit ng pool play system pagpasok sa quarterfinals. Ang Pool A ay may Rank 1, Rank 3, Rank 5 at Rank 7 habang ang Pool B ay itatampok ang Rank 2, Rank 4, Rank 6 at Rank 8.

Sa quarterfinals, ang Rank 1 ay lalaban sa Rank 8; ang Rank 2 ay babanat kontra Rank 7, ang Rank 3 kontra Rank 6 at Rank 4 vs. Rank 5 kung saan ang survivors ay magkakatiket sa semifinals. Ang top two teams ay papasok sa twice-to-beat edge sa Final Four kung saan ang winners ay mamartsa sa best-of-three finals series.

Samantala, ang Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference (AFC) at Collegiate Grand Slam (CGS) ay una nang nahatdan ng magandang balita. Ang SPIA Asia na international award-giving body ay inihilera ang PSL bilang isa sa top 10 finalists sa Best Women Sports Event Category. (MC / VA)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.