Search
  • A. Servinio

ST. CLARE AT ENDERUN COLLEGES, UNA SA NAASCU BEST-OF-3-SEMIS

NAPUNTA sa defending champion Saint Clare College of Caloocan at Enderun Colleges ang napakahalagang panalo sa pagbubukas ng kanilang mga hiwalay na serye sa best-of-three semifinals para sa 18th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) noong Huwebes sa Rizal Technological University.

Tinalo ng Saints ang New Era University, 87-80, habang tagumpay ang Titans kontra sa De Ocampo Memorial College, 105-86. Tabla ang laro, 60-60, pero pinasok ng Saint Clare ang huling 11 puntos ng ikatlong quarter para lumamang nang tuluyan, 71-60.

Nagwang lumapit ng limang puntos ang Hunters, 80-85, ngunit ipinasok ni Irven Palencia ang kanyang dalawang free throw para sa huling talaan at 20 segundo ang nalalabi sa orasan.

Namuno para sa Saint Clare si 6’7" Mohamed Pare na may 17 puntos at 16 rebound. Nagtapos si Palencia na may 16 puntos, anim na assist at apat na agaw.

Sa naunang laro, nagpamalas muli ng husay ng kamay si Valandre Chauca ng Enderun mula sa linya ng three points upang pabagsakin ang Cobras.

Lumamang agad ang Cobras, 5-0, pero nagbagsak ng tatlong sunod na tres si Chauca upang makabalik agad ang Titans, 11-9.

Maaaring wakasan na ng Saints at Titans ang kanilang mga serye ngayong araw sa RTU simula 8:00 a.m. Sisikapin ng New Era at De Ocampo na manatiling buhay at maglaro ng isa pa at huling beses sa darating na Lunes.

Samantala, wagi rin ang Lady Titans sa unang laro ng kanilang serye kontra sa bumibisitang RTU para sa kampeonato sa panig ng kababaihan, 75-57, na ginanap sa Titans Hall. Parehong may 15 puntos sina Kate Marcos at Princess Baylosis habang nagdagdag ng 13 puntos at 10 rebound si Abigail Manzanares.

Mga laro ngayong Sabado – RTU Gym: 8:00 AM DOMC vs. Enderun; 9:30 AM New Era vs. Saint Clare

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.