Sa lahat ng kapuso stars na lumipat, siya lang ang may VIP treatment… REGINE, KNAIINGGITAN NA SA DOS


TIYAK na may mga lihim na naiinggit ngayon kay Regine Velasquez with the kind of welcome na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN bosses.
Sa dinami-dami nga naman ng mga Kapuso stars na lumipat din sa ABS-CBN, only Regine was given the warmest welcome that fits for a queen.
Sabagay, deserve naman talaga ni Regine ang napakabonggang pagtanggap sa kanya ng Kapamilya Network dahil reyna rin siya sa Kapuso Network kahit ayaw niya pang aminin.
‘Yun lang, ang ilang feedback na naririnig namin, paano na raw ngayon ang Kapuso Network, sino na ang maituturing nilang reyna sa pag-alis ni Regine, samantalang nagsisiksikan naman sa Dos ang naglalakihang artista at nandiyan na nga sina Sharon Cuneta at Vice Ganda?





Comments