Search
  • Eddie M. Paez, Jr.

PHL ARMY, DINIKDIK ANG AIR FORCE SA AFP-PNP-PCG CHESS OLYMPICS


NAILAGAN ng top­seed Philippine Army ang kahihiyan nang maungusan nito ang Philippine Air Force sa isang dikdikang 6.5 - 5.5 na engkwentro nang ipag­patuloy ang AFP-PNP-PCG Olympics sa Camp Crame Gym ng Quezon City.

Kumamada ng kani-kanyang tagumpay sina Lt. Col. Perpetuo Tan (kontra kay 1Lt. Jess Pinalgan), 1Lt. Irene Rivera (laban kay Capt. Delfin Bolla), national women’s coach at Sgt. Jay­son Gonzales (isang Grand­master na humarap kay Sgt. Barlo Nadera) at Private Kevin Arquero (vs. A2C Nigel Galan.

Bukod dito, nakaambag din sa tagumpay ng Army woodpushers ang hatian sa puntos na kinasangkutan nina Capt. Marlou Daguio (sa harap ni Lt. Col. Vicente Flora Jr.), Cpl. Darwin Lay­lo (nakipagtagisan kay A2C Richilieu Salcedo) at PFC Antonio Chavez Jr. (suma­gu­pa kay A2C Sheider Nebato.

Nakapuntos para sa mga tagahimpapawid sina 1Lt. Ryan Castro, Capt. Mark Bus­­cas, at A2C Lennong Hart Salgados at A2C Kelly Rancap. Si Rancap ang hu­miya sa nationally rated na si Ronald Dableo sa isang hindi inaasahang resulta.

Nangunguna sa torneo pagkatapos ng pitong yugto ang Army sa rekord nitong 10.0 matchpoints samanta­lang nalaglag sa 3rd place ang Air Force (6.0 match points).

Dalawang puntos sa likod ng Army ang puma­pangalawang Philippine National Police.

Magsa­sal­pukan sa round 8 ang PA at ang PNP. Napako sa pang-apat na baytang ang Philip­pine Coast Guards (2.0 match points).

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.