top of page
Pokwang.jpg

Ngayong si Regine na raw ang reyna…. SIGAW NG NETIZENS: ANGELINE, IBABASURA NA NG DOS!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 20, 2018
1 min read

SAGLIT naming nakatsikahan si Angeline Quinto before her opening number sa nakaraang Star Awards for TV last Sunday. Happy daw siya sa paglipat ni Regine Velasquez sa Dos and excited at the same time na makasama ang Songbird sa A.S.A.P..

Sa kanyang Instagram account, may ipinost na picture si Angeline kasama si Regine na kuha sa mga una niyang concerts.

Caption ni Angeline sa picture sa kanyang IG, “Ikaw po ang dahilan kung bakit mas naging malakas ang loob ko para mangarap. Sa ‘yo lahat nagsimula Ms. Reg. Lahat ng kung anong meron po ako ngayon, at kung nasaan man po ako ngayon, isa po kayo sa dahilan ng lahat ng ito. Habang buhay ko pong tata­na­wing malaking utang na loob sa inyo ang inspirasyong ibinigay niyo sa akin simula nung nagsisimula akong kumanta hanggang ngayon.

“Mahal na mahal ko po kayo Ms. Reg. I LOVE YOU SONGBIRD.”

Sa huling post ni Angeline sa kanyang IG ay magkasama na sila ni Regine sa Sydney para sa kauna-unahang TV appearance ni Songbird bilang official Kapamilya star.

May nabasa kaming comment na kapag nagsama sila sa pelikula, ang maganda raw title ay Ang Mag-ina or Ang Kambal. Naku, ha, hindi naman ganu’n katanda si Regine para maging nanay ni Angeline sa movie, ‘noh?

Sa post ding ‘yun ni Angeline, ‘di siya nakaligtas sa panlalait ng mga bashers. May nagsasabi na kesyo nai-insecure siya sa paglipat ni Regine. Malamang daw ay maetsapuwera na si Angeline ng Dos. But at the same time, marami naman ang naglu-look forward sa pagsasama nina Regine, Angeline at Sarah Gero­nimo sa isang production number sa A.S.A.P..

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page