Search
  • BULGAR

Malinaw ayon sa birthday... LALAKING NAKATAKDANG MAGKA-GIRLFRIEND SA SUSUNOD NA TAONG 2019

Maestro Honorio Ong

Dear Maestro,

Tawagin n‘yo na lang akong Raven, 26 years old na ako pero, hanggang nga­yon ay wala pa rin akong girlfriend kaya na­isipan kong kumonsulta sa inyo upang itanong kung kailan ako magkaka-girl­friend at kung sinu-sino ang mga ka-compatible ko? Gayundin, paminsan-minsan ay tumataya ako sa lotto, umaasang balang-araw ay baka maging milyunaryo, kaya nais ko ring malaman kung ano ang mapapalad kong mga numero? May 2, 1992 ang birthday ko.

Umaasa,

Raven ng San Dionisio, Parañaque City

Dear Raven,

Ka-compatible ng zodiac sign mong Taurus ang isang Virgo, Capricorn, Scorpio, Libra at kapwa mo Taurus, higit lalo silang may mga birth date na 2, 7, 6, 11, 15, 16, 20, 24, 25 at 29.

Kapag nakakita ka ng ganyang klase ng babae na may zodiac sign at birth date na nabanggit sa itaas, makipag­kuwentuhan ka agad sa kanya at makikita mo mahiwaga ang magaganap, hindi maglalaon ay magkakahulugan agad kayo ng loob at sa bandang huli kahit na sinadya o hindi, magiging magkasintahan kayong dalawa.

Hindi maiiwasan na kayo ay magkaroon ng relasyon dahil tulad ng nasabi na, tugma ang zodiac sign at birth date ninyong dalawa.

Kung hindi lang din ganyan ang zodiac sign at birth date ng babaeng liligawan mo, mas mabuti pang huwag mo ng ituloy ang panliligaw mo dahil tiyak na mabibigo o maba-busted ka lamang.

Sayang lang ang panahon sa panliligaw sa mga babaeng hindi mo naman katugma dahil kahit maging girlfriend mo siya o kaya ay maging asawa pa, sa bandang huli dahil hindi mo nga siya ka-compatible, malaki ang posibilidad na magkahiwalay lang kayong dalawa.

Samantala, bukod sa sarili mong numero na 2, mapalad ka rin sa mga numerong may mga sumatutal na 3, 6 at 9, tulad ng 15, 24, 33, 42, 12, 21, 30, 39, 18, 27, 36, 45 at iba pang kauri nito. Puwede mo ring subukan ang 4, 13, 24, 34, 39 at 44, gayundin ang 1, 15, 28, 29, 33, at 36.

Upang masigurado mo ang malaking panalo sa anumang uri ng pakikipagsapalaran, maghanap ka ng lotto outlet na mala­pit sa tindahan ng mga sariwang bulaklak at ornamental plant. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng jackpot.

Habang ayon sa iyong Love Calendar, sa susunod na taong 2019 sa buwan ng Hunyo hanggang Hulyo sa edad mong 27 pataas, biglaan ang magaganap, magkaka-girlfriend ka na, sa katauhan ng isang babaeng nagtataglay ng zodiac sign na Scorpio na may initial na letter M.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.