top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

LILLARD AT COLLUM NG T’BLAZERS, INOLATS SI LEBRON SA DEBUT GAME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 20, 2018
  • 2 min read

MAY pinagsamang 49 puntos sina Damian Lillard at CJ McCollum habang si Nik Stauskas ay may binakas na career high 24 points sa una niyang larga sa Portland at pangunahan ang Trail Blazers nang talunin ang bumibisitang Los Angeles Lakers, 128-119 kahapon sa NBA season opener ng dalawang team.

Kumulekta si LeBron James ng 26 puntos, 12 rebounds at 6 assists sa unang laro sa Lakers. May naibakas si Josh Hart na 20 puntos para sa Lakers na may 13 puntos at 11 assists naman si Rajon Rondo sa kanyang team debut.

Tumabo si Lillard ng 28 puntos, 21 puntos si McCollum at 16 points ang idinagdag ni Jusuf Nuric, 9 rebounds sa loob lamang ng 17 minuto na laro sa TrailBlazers. Napagwagian ng Portland ang home opener para sa NBA-record 18th straight time at naitala ang ilang sunod na panalo kontra Lakers sa 16 mula pa noong 2013. Bumomba naman si Stauskas ng 16 puntos dumagdag si Lillard ng 13 puntos at 12 puntos ay mula kay Nurik at 6 rebounds nang kabigin ang 65-63 na abanse sa halftime. May 18 puntos si James at 7 boards.

Pinalayo pa ng Portland sa 79-72 ang kalamangan sa 3rd qurter. Umiskor pa ang Lakers ng dagdag na 6 puntos para idikit sa 79-78. Pero mula sa 93-91 na lamang ng Portland ay hindi na ito lumingon hanggang sa pinal na peryodo.

Nakadikit pa ang Lakers sa 109-104 sa nalalabing 6 na minuto, pero nakapagsalpak si McCollum ng 18-footer 3 points para ilarga sa 114-104 ang kalamangan. Nakaganti pa ang Lakers sa 124-119 sa huling minuto, pero si Stauskas ang sumelyo sa panalo sa huling free throws. Nabalewala ang 13 points ni James kabilang ang back-to-back dunks. Lamang na sana ang Lakers sa 25-15 sa unang quarter pero determinado ang Portland.

Samantala sa iba pang laro tinalo ng Miami Heat ang Washington Wizards, 113-112. Ginapi ng Philadelphia 76ers ang Chicago Bulls, 127-108. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page