Search
  • Nitz Miralles

Kaya 'di na makabalik, bagsak sa Dos… JANNO, UMAMING ISINUSUKA NG SIYETE

WALA na sa PPL Entertainment ni Perry Lansigan si Janno Gibbs dahil pumirma ng exclusive contract sa Viva Artist Agency. Nag-thank you siya sa warm welcome ng VAA at sabi, “Good to be back home.”

May nagtanong kung nasa A.s.a.p. din si Janno at kung wala, sana raw ay makasama siya sa Studio 7 ng GMA-7.

“Ayaw na sa akin ng Siyete, eh,” ang maiksing sagot ni Janno na ipinag-react ng mga netizens.

Sana raw, hindi na maging late si Janno sa mga appointments niya dahil naging isyu sa kanya ito.

Ang VAA ang management ni Janno, pero sa Star Music siya may recording contract, kaya sa mga shows ng ABS-CBN siya lumalabas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.