Search
  • BULGAR

Comelec spokesperson, nag-resign sa sobrang hiya… LUIS, NAGSALITA NA SA SCANDAL NINA JESSY AT JAMES

Janice DS Navida / SHOWBIZ SPECIAL

HINDI napigilan ni Luis Manzano na mag-react sa ‘scandal’ na kina­sangkutan ng kanyang GF na si Jessy Mendiola at ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez.

Nu’ng Lunes (Oct. 15), napi­litang mag-resign si Jimenez bi­lang focal person ng Comelec dahil sa ak­sidenteng paglabas ng seksing larawan ni Jessy habang naka-bikini sa kalagitnaan ng presentation niya sa De La Salle University na ikinagulat ng maraming tao.

Paliwanag ni Jimenez, nagka­roon daw ng “technical glitch” dahil personal laptop niya ang ginamit sa presentation kung saan ang desktop background ay ang naka-bikini ngang larawan ni Jessy.

Hiyang-hiya ang spokesperson at inako ang responsibilidad. Hu­mingi siya ng paumanhin kasunod ang pagbibitiw bilang ‘focal person’ ng Comelec.

Sa kabila nito, naging positibo pa rin ang comment ni Luis na mababasa sa kanyang Twitter account, “Sir James has good taste;).”

Oh, ha?!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.