• BULGAR

Mas oks daw na solo na lang si Toni… RICO J., 'DI PABOR NA SI PIOLO ANG PUMALIT KAY JOHN LLOYD

Julie Bonifacio / WINNER!

KILALANG malapit sa pamilya Binay ang legendary singer at konsehal ng Makati na si Rico J. Puno. Kaya feeling ng iba, ipit si Rico J. sa banggaan ng magkapatid na Junjun at Abby sa pagka-mayor ng Makati City. Pero, ‘di ito ang naramdaman ni Rico.

“Una pa man, may desisyon na ako, eh. Ang tagal kong nakasama sa Makati — bilang konsehal — si Junjun. Nakita ko ‘yung mga ginawa niya sa mga taga-Makati. Parang tatay niya siya, eh. Maaga pa lang, umiikot na sa Makati at kung may 100 ang patay sa araw na ‘yun, lahat ‘yun, pupuntahan niya,” pahayag ni Rico sa presscon ng concert niya titled Music and Laughter: Sana Tatlo ang Puso Ko.

Ayaw na sanang tumakbo pa ulit ni Rico at ang anak na lamang niya na si Tosca Puno ang magpapatuloy ng kanyang pagsisilbi sa kanilang mga kadistrito at plano na rin niyang i-announce ang kanyang retirement both on showbiz and politics sa gaganaping Music and Laughter: Sana Tatlo ang Puso Ko na produced by Grand Leisure Corporation and StartUp Village in cooperation with Solaire Resort and Casino sa The Theater on November 23.

“Pero marami pa ang gusto na magpatuloy ako at saka parang ‘yun ang gusto sa akin ng Diyos, eh. ‘Yung magsilbi pa rin ako sa tao at mapasaya sila at the same time. Kaya siguro hinahayaan pa rin niya akong mabuhay kahit may pacemaker na ako sa puso ko,” nangingiting sabi pa niya.

Special guest sa concert ni Rico ang anak na si Tosca na sobrang happy na madalas na niyang kasama ang kan­yang ama. May kakaibang excitement na nararamdaman si Tosca na makasama ang kanyang ama sa concert together with Giselle Sanchez at Marissa Sanchez.

“Puno ng sorpresa ang concert namin. Gusto ko kasi kapag nagso-show ako, spontaneous ang dating. If not, I think magre-retire na lang ako,” sambit pa ni Rico J..

Sa kabila ng major heart operation niya, he’s still very active mapa-showbiz man o pulitika. We wonder where he gets his energy.

“Pero alam mo, nu’ng may eksena ako na bubugbugin ako sa Ang Probinsyano, dinala ako noon sa ospital. At sabi ng doktor ko, tumigil na raw ako. Kaya hayun, nawala ako sa show. Ayaw na ng doktor ko,” sabay ngisi ni Rico.

Nawala naman siya sa Home Sweetie Home na halos kasabay ng pagkawala ni John Lloyd Cruz sa sitcom. And until now, ‘di niya alam kung ano na ang mangyayari sa karakter niya roon — kung ba­balik pa siya o hindi na.

Personally, ‘di niya type ang ine-establish na kuwento sa HSH between Piolo Pascual and Toni Gonzaga. Sana raw, hayaan na lang na walang partner si Toni sa show kesa maging sila ni Piolo.

Although, it’s up to the executives naman daw kung ano ang gusto nilang gawing kuwento sa HSH.

Then, we told him na baka tsutsugihin na ang HSH at papalitan na lang ng bagong sitcom ng ABS-CBN.

Bali-balita kasi ngayong ang gagawing sitcom ni Regine Velasquez kasama sina Ogie Alcasid at Ian Veneracion ang ipapalit sa HSH.

Hmmm.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.