Search
  • BULGAR

Love team, pang-camera lang talaga, fans! SHARLENE AT NASH, AMINADONG 'DI TALO

Janice DS Navida / SHOWBIZ SPECIAL

SINCE Goin’ Bulilit days, pinagla-love team na sina Nash Aguas at Sharlene San Pedro at tinawag ngang NashLene ang mga followers nila.

Pero ipinagdiinan ng dalawa na hindi sila talo dahil mas nangingibabaw sa kanila ang friendship. Alam ni Sharlene na si Mika dela Cruz ang nililigawan ni Nash habang ang 20-year-old young actor naman, todo-reto kay Sharlene ng mga kakilala niya pero mataas daw ang standard ng young actress.

Anyway, sila ang pinagtambal sa T-Rex Entertainment Production post-Halloween offering na Class of 2018 kung saan makakasama nila sina CJ Navato, Kristel Fulgar at marami pang iba.

Suspense-action ang movie at medyo nagpaseksi lang nang konti si Sharlene sa outfit niya na labas ang braso, na well… 19 years old naman na siya kaya okay lang.

Medyo boyish kumilos si Sharlene kaya tinanong na namin siya kung hindi ba siya na-confuse sa gender niya.

Sagot niya, lumaki raw kasi siyang dalawang kapatid na lalaki ang kasama niya kaya medyo astig siya at hindi pa-girl pero pusong-babae naman daw siya. Eh, di good!

Sa Nov. 7 na ang showing ng Class of 2018 at pramis nina Nash at Sharlene, magugustuhan ito ng manonood dahil kakaiba ang kuwento ng pelikula na idinirek ni Charliebebs Gohetia.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.