Bigtime pusher timbog sa drug bust
Pabs Hernandez III
Oct 19, 2018
1 min read
CAMARINES NORTE—Isang bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Camambugan, Daet sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Hernani Echano, residente ng nasabing barangay.
Nabatid na sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Echano at dito nakumpiska ang 25 gramo ng shabu at mga kagamitan sa pagsinghot ng droga.
Nakapiit na si Echano na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.





Comments