top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa birthday… BEBOT NA NAKATAKDANG SUWERTEHIN SA MGA NUMERONG MAY SUMATUTAL NA 3, 6 AT 9

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 18, 2018
  • 1 min read

Dear Maestro,

Itatanong ko lang ang aking masusuwer­teng araw, petsa, kulay at numero upang buwenasin naman ako sa buhay? April 9, 1988 ang birthday ko.

Umaasa,

Nelissa ng Liciada, Bustos, Bulacan

Dear Nelissa,

Ayon sa zodiac sign mong Aries at birth date na 9, ikaw ay mapalad sa lahat ng mga numerong may sumatu­tal na 3,6 at 9 tulad ng 12, 21, 30, 15, 24, 33, 18, 27, 36, 45 at iba pang kauri nito sapagkat ikaw ay naka-under sa planetang Mars. Ang nasabing mga numero ang siya ring mapalad mong petsa kung saan dapat mong isagawa ang mga bagay na iyong binabalak upang ikaw ay magta­gumpay sa buhay.

Dagdag pa rito, bukod sa nasabing mga numero, mapalad ka rin sa kulay pula, habang ang asul at violet naman ang magiging secondary color mo. Suwerte naman sa iyo ang mga araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.

Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran sa iyo tuwing sasapit ang ika-21 ng Oktubre hanggang sa ika-27 ng Disyembre, mula sa ika-21 ng Marso hanggang sa ika-27 ng Abril at mula sa ika-21 ng Hulyo hanggang sa ika-27 ng Agosto.

Katugma mo naman silang mga isini­lang sa zodiac sign na Leo, Sagittarius, Libra at kapwa mo Aries, higit lalo silang may mga birth date na 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 6, 15, 24, 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19 at 28.

Significant at favorable years mo naman ang mga taong 2020, 2021, 2022 at 2027. Sa nasabing mga panahon, maraming mga suwerte at magagan­dang kapalaran ang tuluy-tuloy at kusang darating sa iyong buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page