• BULGAR

Magkakadugo, bakbakan sa halalan

TAPOS na ang filing ng certificate of candidacy para sa 2019 Midterm Elections.

Nagkaalaman na rin kung sinu-sino ang mga tatakbo at tulad ng inaasahan, halos sila at sila pa rin ang mga mukha at apelyido.

Medyo intense lang ngayon dahil nasa iisang pamilya, sila-sila rin ang magkakalaban sa puwesto.

Natatawa na lang ang publiko, hindi maiwasang makapagkomento na kung sila na magkakadugo, eh, hindi magkasundo, paano pa nila patatakbuhin ang bayan?

Ganyan daw ba sila kasugapa sa kapangyarihan? Nagtatanong lang.

Anyway, sa ngayon, wala tayong magagawa kung sino ang mga gustong kumandidato pero, sa mismong halalan, doon tayo may kapangyarihang humatol, kasabay ng pagbabantay sa ating boto.

Samantala, isang Joint Peace and Security Coordinating Committee meeting ang isinagawa sa Camp Crame na pinangunahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Tinalakay ang seguridad na ipatutupad para sa nalalapit na halalan.

Paiigtingin din ang koordinasyon at kooperasyon lalo na sa internal security, anti-criminality at counter-terrorism campaign.

At tayo, bilang mga mamamayan, obligasyon din nating makiisa hindi para mairaos nang mapayapa ang eleksiyon kundi para mailuklok ang mga karapat-dapat sa puwesto.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.