Search
  • BULGAR

HOROSCOPE | Oktubre 18, 2018 (Huwebes)

Maestro Honorio Ong

SA MAY KAARAWAN NGAYONG OKTUBRE 18, 2018 (Huwebes): Mala­laking suwerte ang naka­la­an para sa iyo. Pinata­tatag at pinatitibay ka ng iyong kapalaran nang sa gayun ang mga ito ay hindi masayang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Inihahanda ka ngayon ng iyong kapa­la­ran tulad ng isang sundalo na dumaraan muna sa mabibigat na hamon. Anu­man ang mararanasan mo, dapat mo itong tanggapin ng maluwag sa iyong kalooban. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-10-18-29-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang kumuha ng sobra. Kung ano lang ang kailangan mo, ‘yun lang ang iyong kunin. Sa ganito, hahangaan ka ng mga nasa paligid mo at maging ang langit ay sasaludo sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-17-26-34-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Nagiging da­lawa ang isa at ang dalawa na­man ay du­marami. Ga­nito mo ting­nan ang ilala­gay mong pu­hunan sa bina­ba­lak mong pagkaka­kitaan. Hindi ma­ganda kung negatibo kang mag-iisip. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-20-25-31-32-35-42.

CANCER (June 21- July 22) - Dumara­ting ang akala nating hindi natin kailangan, pero sa huli, ito pala ay may ma­halagang papel na gagam­panan sa ating buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-29-31-38-40-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Bu­mabagsak ang puno sa tuluy-tuloy na ihip ng hangin. Maku­ku­ha mo rin ang gusto mo kung hindi mo titigilan at mananatiling buo ang iyong mga panga­rap. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-27-35-36-43.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi naka­pang­hihinayang ang bawat kilos kung para ito sa pangarap kaya kahit matagal at ma­hi­rap itong abutin, gawin mo pa rin ang iyong maka­kaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-9-15-17-28-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ka­pag pina­ki­taan ka ng ma­ganda ng ibang tao, nawawala ang galit mo. Ito ang iyong kahinaan na muling lilitaw sa iyong pagkatao na hindi mo mai­iwasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-16-18-21-25-36-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit pa may nakakuha na sa gusto mong mapasa­iyo. Tuloy pa rin ang ikot ng mundo at ang pagkaka­taong makuha mo rin ang gusto mo ay mamamalagi sa harap mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-13-22-24-27.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka hihiwalayan ng langit hanggang sa magtagum­pay ka. Bawat taong ha­had­lang sa iyong nilala­karan, langit na mismo ang magtataboy sa kanila. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-3-18-20-25-27-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilan pang mga araw na darating. Nga­yon din ang panahon na inilaan sa iyo para hilingin mo sa langit ang pinaka­gusto mo sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-23-28-30-33-37-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pa­rang kisap­mata ang buhay mo dahil bigla itong magbabago. Magigising ka sa mundo kung saan hin­di na masusunod ang mga nais mo. Ito ang men­sahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-21-29-30-38-40-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka na pa­rang abot-kamay mo na ang iyong gusto. Mangyayari at walang pagdududa na mapasa­saiyo ang bagay na gusto mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­ cxvwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-9-10-14-17-30-35.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.