- BULGAR
Asia's Songbird, lokang-loka… REGINE, PINASUKAN NG LAMOK SA BIBIG HABANG KUMAKANTA
Len Ramos Llanes / ISKUP

INTERESTING ‘yung interview kay Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Tonight with Arnold Clavio bago siya lumipat sa ABS-CBN.
Inamin ni Regine na noon daw ay hilig niya talaga ang mga branded shoes at accessories. But she said, “Pero ngayon, ang ibinibili ko na lamang ay si Nate at ang asawa ko.”
At ang very unusual habit na namana sa kanya ni Nate?
“Totoo ‘yung revelation ng asawa ko, natutulog akong naka-de-kuwatro (cross legs) at namana ito ni Nate.”
In another session with Arnold Clavio, inamin ni Regine na naranasan na niyang may pumasok na lamok sa kanyang bibig habang kumakanta siya.
“Pagbukas ng bibig ko, sabay pasok ng insekto. Pero, nangyari ‘yan nu’ng contestant pa lang ako.”