Search
  • BULGAR

Naghapi-hapi sa pagse-surf, career iniwan… ANDI, TANGGAP NA LAOS NA

Vinia Vivar / FRANKLY SPEAKING

Sa grand mediacon kahapon ng horror film na All Souls Night, nilinaw ng bidang si Andi Eigen­mann na hindi naman totoong ayaw na niyang mag-artista at mamumuhay na lang bilang normal na tao sa probinsiya.

Ayon kay Andi, acting will always be her passion pero nagkataon daw na wala namang dumarating na offer sa kanya kaya hindi rin siya napapanood sa anumang proyekto.

“Actually, walang offer,” aniya, “tapos, akala ko, kinali­mutan na ako ng mga tao. Okay lang ‘yun sa akin kasi ako naman ‘yung nag-make ng decision na lumayo.

“Kaya sobrang natuwa ako nang tinawagan ako ni Boss Vincent del Rosario (of Viva Films na isa sa mga producers ng All Souls Night) and said that.”

Isang taon ding namahinga si Andi sa paggawa ng pelikula. Bagama’t napanood siya sa The Maid in London shown last July, matagal na raw niyang natapos ‘yun at nauna pa nga niyang gawin sa Camp Sawi na ipinalabas naman 2 years ago. Sa teleserye naman, ang huli niyang ginawa ay The Greatest Love in 2016-2017.

During those times na wala siyang ginagawa ay pabalik-balik siya sa Baler, Siargao at Manila. Dito na nga lumutang na ayaw na niyang mag-artista at may tsika pa ngang ibinenta na niya ang mga gamit niya tulad ng mamahaling shoes, bags at mga alahas.

“I just purposely sold them, kasi, hindi ko na sila kailangan, pero ‘yung mga jewelry, all the jewelry that came from my mom (Jaclyn Jose), ‘yung mga ibinigay niya sa akin, siyempre, I keep that. I keep all the ones that have sentimental value,” aniya.

Aminado si Andi na talagang nag-i-enjoy siya sa buhay-probin­siya na dream na pala niya kahit noong bata pa at nga­yon lang naisagawa.

“But it doesn’t mean that acting is something that I can ever quit or leave forever,” sey pa niya.

“‘Yung acting, that’s my passion, that’s something that I just really love to do and this movie, basically, it spoke to me in such a way that it presented values that I believe in or that I want help send a message to people.”

Sa ngayon ay nagpapa­tayo raw siya ng bahay sa Baler pero lately ay mas madalas siya sa Siargao dahil dito naman siya nagpatayo ng negosyo na isang vacation rentals (airbnb). Bukod dito, tagarito rin ang kanyang surfer champion boyfriend na si Philmar Alipayo.

Pero, pabalik-balik pa rin daw siya sa Manila dahil dito naman nag-aaral ang anak niyang si Ellie na Grade 1 na ngayon.

Ikinuwento nga ng aktres ang ordinar­yong araw niya sa Siargao na sobra raw niyang ini-enjoy.

“We wake up always really early, normal na gumigising kami even before the sun rises, and we just go out to surf and be in the middle of the ocean all day, everyday.

“We get to catch our own food in the ocean, it’s really fresh – fish, octopus – mga ganu’n. It’s so much fun and we just go around, I hang out with my friends, I eat out.

“When Ellie’s there with me, then she’ll go out with her friends also or just like go around the island and go on adventure with me, discover new places na hindi pa na­min napupuntahan,” kuwento ni Andi.

Tuluy-tuloy na ba ang pagbabalik niya sa showbiz?

“Hindi ko rin po masasabi kung tuluy-tuloy na, pero kung merong offer na sunud-sunod na magaganda, then, that would be really great, I would not say no to that,” she said.

Showing na ang All Souls Night on October 31 bilang Halloween presentation ng Viva Films, Aliud Entertainment and ImaginePerSecond Productions.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.