Search
  • BULGAR

Malinaw ayon sa birthday...BINATANG NAKATAKDANG SAGUTIN NG NILILIGAWAN KUNG LALAKASAN NITO ANG KANYA

Maestro Honorio Ong

Dear Maestro,

May nililigawan akong babae, kaya lang hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit natatakot akong mag­tapat ng pag-ibig sa kanya. Siguro, dahil takot akong ma-busted.

Kung magta­tapat ako sa kanya, may tsan­sa kaya na sagutin niya ako at siya na ba ang unang magiging girlfriend ko?

June 7, 1993 ang birth­day ko at February 13, 1994 naman ang birth­day ng babaeng nililiga­wan ko.

Umaasa,

Jorge ng San Agustin, Victoria, Tarlac

Dear Jorge,

Ayon sa Compatibility Analysis, tunay ngang tug­ma ang zodiac sign mong Ge­mini sa zodiac sign na Aqua­rius ng babaeng nilili­gawan mo, gayundin ang birth date mong 7 ay su­wetung-suwe­to rin sa birth date niyang 13 o 4 (1+3=4).

Kung saan sa pang ista­distikang pag­taya maraming isinilang sa petsang 7, 16 at 25 ang na­ka­katuluyan ang mga isi­nilang sa petsang 4, 13, 22 at 31.

Ibig sabihin, tama ang ibinubulong ng iyong dam­damin, kung magtatapat ka ng iyong pag-ibig sa baba­eng nililigawan mo sa pa­nahong ito na papalapit na ang ka­paskuhan, sa kauna-unahang pagkakataon mag­kaka-girl­friend ka na rin sa wakas at magkakaroon ng isang ma­saya at pangha­bambuhay ng relasyon.

Ibig sabihin, kaunting lakas lang ng loob ang puhu­nan at piliin ang mga pet­sang paborable sa inyong dalawa tulad ng mga petsang 10, 19, 28, 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22, 31, 7, 16 at 25.

Sa ganyang diskarte na nag­tapat ka ng pag-ibig sa ba­baeng nililigawan mo sa ta­mang petsa at panahon, tiyak ang magaganap, walang du­da, sa edad mong 25 pataas ay magkaka-girlfriend ka na.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.