Lasing na caretaker nalunod
PANGASINAN—Isang lasing na caretaker ang namatay nang malunod sa palaisdaan, kamakalawa sa Bgy. Lucero, Bolinao sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Roelito Orbos, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, lumusong si Orbos sa palaisdaan para kumuha ng tahong at talaba na gagawin nilang pulutan ng kanyang mga kainuman, pero dahil sa kalasingan ay nalunod ito.
Agad sumaklolo ang mga residente sa nasabing barangay, pero bangkay na nang maiahon sa palaisdaan ang biktima.





Comments