Hindi ka na mahihiyang mag-overnight sa bahay ng iba, besh! HIGH-TECH NA SINGSING, KERING MAKATANGGA
- BULGAR

- Oct 17, 2018
- 2 min read

KNOWS ba ninyong hindi lang pala pang-fashion ang singsing dahil keri rin nitong tanggalin ang ingay sa tuwing tayo ay naghihilik? For sure, good news ito para sa mga mala-bapor tuwing natutulog. He-he-he!
Amazing!
Ang high-tech na singsing na ito ay nakatutulong upang ma-detect at matanggal ang nakaiimbiyernang ingay ng paghihilik.
Ito kasi ay isang mapanganib na kondisyon dahil nakai-increase ito ng pagkakaroon ng atake sa puso at stroke, kaya dapat talaga itong gamutin at alisin.
Gayunman, hindi lang ito ang kauna-unahang naimbento na nakatatanggal umano ng hilik, pero kakaiba ito dahil dehins mahahalata sa tuwing tayo ay matutulog, bukod kasi sa normal na itong isinusuot ng tao, very classy pa itong tingnan.
Ang singsing ay gawa sa soft silicon at mayroon itong sensors na nakata-track ng ating blood oxygen level, maaari lamang itong isuot sa middle o ring finger dahil ito ang lugar kung saan mas malaki ang volume ng dugo na dumadaloy sa ating katawan.
Dagdag pa rito, ang singsing ay may accelerometer o ang nagmomonitor sa arm movements upang maiayos natin ang ating body position.
Samantala, para mapatunayan ang epekto nito, inobserbahan ng mga eksperto ang 10 kalahok kung saan ipinasuot sa kanila ang high- tech na singsing at saka pinatulog.
Lumabas sa pag-aaral na 80 porsiyento nito ay naging epektibo sa mga taong iniinda ang paghihilik.
Pero, ang payo ni Dr. Neil Stanley mula sa British Sleep Society, ang mas nangangailangan daw ng singsing na ito ay ang mga natutulog ng mag-isa dahil walang magbabantay sa kanila, kaya sa mga single riyan, alam n‘yo na! He-he-he!
Oh, ayan, mga lodi, mas classy at convinient na ito para sa inyo, basta always remember, pangalagaan ang sarili upang hindi magkasakit. Okie?





Comments