Search
  • BULGAR

DIRTY FINGER NI ABUEVA, PINAGMUMULTA NG 10K


HALAGANG P10,000 ang multang ipinapataw ng PBA kay Calvin Abueva dahil sa pagsenyas nito ng dirty finger sa dalawang laro ng Phoenix Fuel Masters sa Governor’s Cup.

Una munang pinagmulta ni PBA Commissioner Willie Mar­cial, ang 30-anyos na si Abueva ng P4,000 nang talunin ng Fuels ang NLEX Road Warriors noong Miyerkules.

Muling inulit makaraan ang sumunod na dalawang araw ang pagsenyas ng dirty finger na natutukan pa ng camera nang hatakin siya sa leeg ni Kevin Murphy ng San Miguel Beermen. Hindi pa nailalabas ng PBA hanggang ngayon kung ano ang ipapataw na parusa kay Murphy. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.