Search
  • BULGAR

After maka-P300 million ang sa kanila ni Angelica, Xian kaya out! CARLO, IPINAREHA KAY NADINE PARA &

Rohn Romulo / RUN WILD!

MUKHANG pinalalaki ang isyu sa biglang pagpasok ni Carlo Aquino sa cast ng Ulan na pinagbibidahan ni Nadine Lustre mula sa Viva Films.

Si Carlo na ang bagong leading man ni Nadine at pinalitan na niya si Xian Lim na unang napaba­lita. Nagbigay na rin ng comment si Xian na hindi na nga siya part ng movie at nag-congrats in advance dahil tiyak daw na maganda ang movie ni Nadine.

Busy din naman si Xian sa kanyang Cinemalaya entry na Tabon na siya ang director at producer, kaya malamang ‘di niya kayanin kung pagsasabayin niya.

Marami rin ang nagko-comment na dahil daw naging blockbuster ang Exes Baggage nina Carlo at Angelica Panganiban na uma­bot na sa P300 million ang kinita sa takilya at showing pa rin, malaking tulong si Carlo na maging hit din ang movie ni Nadine at madadala rin niya ito sa pag-arte.

May mga nanlalait kay Xian na kaya raw napalitan ni Carlo ay dahil hindi ito mahusay umarte at hindi makakatulong sa box office result ng movie. Mas mabuti raw na mag-concentrate na lang ito sa hosting, dahil do­on siya magaling at ngayon nga ay su­subukan naman niya ang behind the scenes.

Well, abangan na lang natin kung uubra nga ang tambalang Nadine at Carlo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.