Star Awards, inindiyan… BEST FEMALE TV HOST AWARD NI MAINE, SI ALDEN ANG TUMANGGAP
- BULGAR

- Oct 16, 2018
- 1 min read

ANG tindi ng suporta ng mga loyal fans ng Dubsmah Queen na si Maine Mendoza dahil sila pa ang nagdadala ng food tulad ng lechon baka at lechon baboy sa set ng Jack Em Popoy: The PulisCredibles na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Coco Martin kung saan kasama nga si Menggay.
At maging ang pilot telecast ng Daddy’s Gurl na umere noong Sabado ng gabi ay tinutukan ng halos lahat ng fans club ni Yaya Dub. In fact, nakapagtala ito ng mahigit na 1 million tweets at trending sa social media.
Abalang-abala si Maine sa kanyang shooting ng Jack Em Popoy: The PulisCredibles kaya hindi siya nakadalo sa 32nd Star Awards for TV. Siya pa naman ang winner sa kategoryang Best Female TV Host. Si Alden Richards ang tumanggap ng trophy ni Maine.
Anyway, marami ang labis na nagtataka kung bakit sobrang close nina Vic Sotto at Wally Bayola sa phenomenal star ng Eat… Bulaga! na si Yaya Dub. Kahit saang interview, panay papuri kay Maine ang maririnig kina Bossing Vic at Wally. At mas nagkakalapit ang kanilang samahan ngayong magkakasama sila sa sitcom na Daddy’s Gurl.





Comments